Header AD

Pangilinan, pinagre-resign si Parlade bilang AFP Chief

Francis Pangilinan



Isinusulong ngayon ni Senador Kiko Pangilinan ang pagreretiro ni AFP chief Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. matapos ang kanyang pahayag laban sa isang INQUIRER.NET reporter.



Ayon kay Pangilinan, dapat daw ay ituro nadin ni Secretary Delfin Lorenzana kay Parlade ang daan palabas (show Parlade the door) matapos ang tirada nito laban sa reporter Tetch Torres-Tupas , sa kanyang story tungkol sa mga Aetas na di umano ay nakaranas ng pangaabuso mula sa militar at syang nag file ng petition sa Supreme court. 



Ayon pa kay Pangilinan dapat daw ay sapitin din ni Parlade ang sinapit dati ni AFP deputy chief of staff for intelligence Major Gen  Alex Luna, na siyang pinagbitiw sa puwesto matapos ang blunder of list ng di umanoy mga estudyante ng University of the Philippines (UP) na sumapi sa mga armadong komunista na kumakalaban sa gobyerno. 



"Enough of this unprofessionalism and lack of discipline with such baseless, erroneous public statements. Like AFP Intel Chief Luna, Lorenzana should show Parlade the door," ito ang sambit ng senador sa kanyang twitter post.


Kiko Pangilinan twitter post



source Inquirer.net

Pangilinan, pinagre-resign si Parlade bilang AFP Chief Pangilinan, pinagre-resign si Parlade bilang AFP Chief Reviewed by TNS Correspondent on February 04, 2021 Rating: 5

No comments