Header AD

Duterte - PDEA PNP engkwentro, pananagutin ang may sala

PDEA vs PNP

 

Ipinahayag ng Pangulo ang kanyang kalungkutan at pagkabahala matapos mabalitaan ang nangyaring engkwentro sa pagitan ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Commonwealth QC.



Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque nabahala daw ang Pangulo kung bakit kapwa awtoridad ang nagkaron ng barilan.



Sinabi pa ni Roque na dumating ang balitang ito matapos ang Talk to the People ng Pangulo nitong miyerkules ng gabi at hindi maitatago ang pagkalungkot nito. 



"The President expressed both sadness and concern, bakit nangyari na kapwa tao ng gobyerno ay nagkaputukan," ika ni Roque



Sinisiguro naman di umano ng Pangulo na magkakaron ng malaliman na imbestigasyon upang mapanagot ang totoong may sala sa nangyaring putukan. 



"Ang inassure niya, gaya ng assurance na ginawa niya sa nangyari sa Sulu, ay we will get to the point of this incident, magkakaron ng partial investigation at justice will be done." dagdag pa ng kalihim 



Ayon pa kay Roque, kumpiyansa ang Malacañang na lalabas ang katotohanan dahil sa nga gagawing imbestigasyon upang matukoy ang pinagmulan at maparusahan ang dapat maparusahan. 



"We are confident that the PNP and the PDEA forming an investigation panel and Justice Secretary ordering the National Bureau of Investigation (NBI) to conduct it's own parallel investigation, that we will know the truth behind this incident and justice will be done." banggit ulit ni Roque.


source Abante

Duterte - PDEA PNP engkwentro, pananagutin ang may sala Duterte - PDEA PNP engkwentro, pananagutin ang may sala Reviewed by TNS Correspondent on February 25, 2021 Rating: 5

No comments