Header AD

Duterte, nagdemand ng $16B para sa VFA ng US sa PINAS

PH & US Presidents

 

Kapalit ng Visiting Forces Agreement (VFA), Kinakailangan di umano na makatanggap muna ang Pilipinas ng $16 billion na siyang nareceive ng Pakistan noong sila ay nagkaroon ng assistance mula sa United States noong 2001 hanggang 2007. -Malacañang



Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, ang Pilipinas ay nakatanggap lamang mg $3.9 billion mula sa USA noong kaparehong panahon. 



Maaalalang kamakailan ay sinabi din ni President Rodrigo Duterte na kinakailangan magbayad ng US government sa Pilipinas kung gusto pa nitong ipagpatuloy ang VFA agreement na nagpapahintulot sa American soldiers na magpunta sa Pilipinas upang makiisa sa military exercises ng Pinoy. 



Iniutos nya ang pagpapawalang bisa ng agreement noong nakaraang taon ngunit na suspinde dahil sa pandemya. 



Samantala nagbabala naman ang mga opisyal ng Defense and foreign affairs na maaaring mawalan ng bilyong dolyar na worth of assistance ang Pilipinas kung matuloy man na iabolish ang kasunduan na ito, sinabi pa nila na makakaapekto din ito sa Philippine Defense and Security Arrangements. 



Hindi naman nagbigay ng komento si Roque patungkol sa kung paano pupunuan ng administrasyon ang mawawalang benepisyo kung matuloy ang pagpapatigil sa VFA agreement kung hindi nga makapagbayad ang Washington. 



"The President has been clear. He wants compensation. If the Americans don't agree, then there is also the previous declaration of the Filipino president that he will terminate the VFA," sabi ni Roque.



source INQ

Duterte, nagdemand ng $16B para sa VFA ng US sa PINAS Duterte, nagdemand ng $16B para sa VFA ng US sa PINAS Reviewed by TNS Correspondent on February 15, 2021 Rating: 5

No comments