Header AD

Duterte - Leni "hindi 'fit' maging susunod na Presidente"

Duterte


Sa isang interview nitong Miyerkules, ipinahayag ni Presidential spokesperson Harry Roque ang saloobin ng ating Pangulo hingil sa gustong pagtakbo ni VP Leni Robredo bilang Pangulo sa susunod na eleksyon. 



Ayon din umano sa pangulo, bilang isang naging pangulo, alam niya mismo sa sarili niya ang mga dapat na katangian ng isang pangulo, at sa nakikita raw niya ay hindi angkop si Bise Presidente Leni Robredo bilang susunod na pinuno. 



"Tama po iyan, yan ay desisyon ng taumbayan pero kabahagi po ng taumbayan ay ang Presidente, na siyang boboto rin," banggit ni Roque 



"At dahil siya ay naging presidente, alam niya yung mga kakayahan na kinakailangan para maging isang presidente at ang kanyang naging assesment sumatutal, hindi po angkop na maging presidente ang ating bise presidente," dagdag pa nito. 



Matatandaan na nitong akinse  (15) ng Pebrero ay tinirada ni Duterte si Leni sa National TV matapos ang kanyang kumento hinggil sa issue ng VFA na gusto ng Pangulo na singilin ang USA, sinabi niya na isang uri ito ng extortion. 



Sinabihan ng pangulo ang Bise Presidente na "study more if by any unfortunate chance" na maging susunod itong pangulo. 



Samantala nitong Huwebes naman sa isang interview ay tinawanan lamang ito ni VP Leni Robredo at sinabing wala siya sa lugar upang diktahan kung siya ba ay karapatan-dapat na maging Pangulo.


source INQ

Duterte - Leni "hindi 'fit' maging susunod na Presidente" Duterte - Leni "hindi 'fit' maging susunod na Presidente" Reviewed by TNS Correspondent on February 16, 2021 Rating: 5

No comments