Header AD

Buong Pilipinas 'Handa na' para sa MGCQ ayon kay Duque

Health Secretary Francisco Duque III

 


Sa isang televised briefing, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na ang mga Local Government Units (LGUs) ay handa na di umano para gawing MGCQ ang quarantine status ng buong bansa. 



Ayon sa kanya, handa na ang mga LGUs dahil alam naman na nila ang tamang patakaran upang maiwasan ang patuloy na pagkalat ng virus matapos ang isang taon na pakikipagsagupaan sa C0vid-19. 



"Tayo po ay handa naman, naniniwala ako na ang ating LGUs' ay handa naman ang kanilang sistema, ang kanilang health protocols, ang kanilang quarantine/isolation guidelines, infection/prevention control protocols, ang kanilang testing capacities, etc  para magluwag pa to MGCQ ang kanila pong quarantine status," Ani Secretary Duque III. 



Samantala magkakaron naman ng cabinet meeting ang gabinete ng Pangulo ngayung Lunes upang pagusapan ang nasabing issue.



Buong Pilipinas 'Handa na' para sa MGCQ ayon kay Duque Buong Pilipinas 'Handa na' para sa MGCQ ayon kay Duque Reviewed by TNS Correspondent on February 22, 2021 Rating: 5

No comments