Header AD

Duterte - 'pusta ko pagka-pangulo ko'

Duterte

 

Sa isang talumpati sa Jolo Sulu, sinabi ni Pangulong Duterte na handa daw nyang ipusta ang kanyang pagkapangulo para sa integridad ni Covid-19 vaccine czar Carlito Galvez, naniniwala ang pangulo na malinis at hindi kurap at kailan may ay hindi magiging kurap si Galvez, ito ang kanyang sambit upang maibsan ang pangamba ng taong bayan na makurakot lang ang pondo para sa Covid-19 vaccine. 



"Pusta ko ang presidency ko. Walang graft iyan. Si Secretary Galvez kilala ko," Banggit ng pangulo sa harap ng mga militar sa Jolo, Sulu nitong Sabado. 



Ito ay matapos manawagan ang ilang senador na maglabas ng transparency sa mga presyo ng bibilhing corona virus vaccine sa Chinese pharmaceutical firm na Sinovac Biotech. 



Binanggit din ng pangulo ang malaking papel na ginampanan ni Galvez sa pagwawakas ng Marawi Seige noon 2017, na naging dahilan upang kunin nya ito bilang parte ng kaniyang gabinete matapos nitong magretiro bilang isang military official.


source Abante

Duterte - 'pusta ko pagka-pangulo ko' Duterte - 'pusta ko pagka-pangulo ko' Reviewed by TNS Correspondent on January 23, 2021 Rating: 5

No comments