Header AD

Padilla sa binigay na Pardon Kay Pemberton: "Tama ang ginawa ni mayor PRRD"

Ayon kay Robin Padilla tama ang desisyon ni Duterte na Bigyan ng pardon si pemberto.

“Tama ang ginawa ni mayor PRRD,”

Ito ang opinyon ni Robin Padilla sa ginawang desisyon ni Pangulong Duterte na bigyan ng pardon Si US Marine lance Cpl. Joseph Scott Pemberton.

Ayon sa Facebook post ni padilla, bagama’t kasama siya sa nakibaka para makamit ni Pinay transgender woman Jennifer Laude ang hustisya, tama lang umano na pasok si Pemberton sa good conduct time allowance (GCTA) matapos nitong pagsilbihan ang anim sa sampung taon na sentensya sa kanya.

“Tama ang ginawa ni mayor PRRD,” ayon kay Padilla. “It was the most compassionate decision not only for the Americans but for us as well.”

Aniya, ang pag-pardon kay Pemberton ay mas lalong magpapaigting ng samahan ng Pilipinas at Estados Unidos, dahil posibleng kailanganin ng bansa ang tulong ng USA sa COVID-19 pandemic.

“One way or the other we will soon need them and this pardon strengthens that bond of friendship between us as people,” lahad pa ng aktor.

“Ang panahon ng pandemya ay oras ng pakikipagbuklod kay bigbrother,” aniya pa.

Si Padilla din ay nakatanggap ng absolute pardon mula kay Duterte dahil sa illegal possession of firearms.

Narito ang Buong Facebook post ng Aktor.

October 15,2014-December 1,2015
Isa kami sa mga nakibaka para mabigyan ng hustisya si Ms Laude at nanaig ang sigaw na yun! hindi pinayagan makaalis ng bansa ang sundalong amerikano at nakulong sa Inangbayan Pilipinas ang mamamatay tao.

at dahil din sa ganap na ito nagkaroon ng kamulatan ang mga Pilipino lalo ang mga mambabatas sa kalagayan ng mga gay at transgender kaya ipinagtibay ang mga karapatan nila at nagtulak din ito ng isang transgender sa kongreso.

Ang sakripisyo ng buhay ni Ms Laude ay maituturing na isang bayani ng rebolosyon! una sumunod ang dambuhalang bansa ng amerikano sa batas ng ating bansa pangalawa nagdulot ng malalim na pagtanggap sa kasarian ng mga gay at transgender sa ating lipunan. Dalawang bagay ito na nagbigay karangalan at pagpupugay sa pamilya Laude.

Bilang pagpapakita rin natin sa dambuhalang mga amerikano na marunong tayong mga pilipino sumunod sa sarili nating batas kailangan natin maging patas at parehas kay pemberton maging labag man sa kalooban nating lahat ang sinasabi ng ating batas. Walang magagawa ang bureau of correction sa biglaang pag atras ng appeal ng killer na ito sa SC kundi ipatupad ang batas natin at malinaw don na nakasaad ang good conduct time allowance sa kahit na sinong bilanggo maging pinoy o dayuhan. Nakasaad sa ating batas na kung sinoman ang nakapagserve na ng kalahati ng sintensya niya ay maaari na itong humingi ng pardon o parole at mag dedepende ang favorable desisyon ng board of pardons and parole at ng legal department ng Pangulo ng Pilipinas sa good behavior ng bilanggo. Hindi po ako abogado pero batid ko ang karapatan ng isang bilanggo na ibinigay ng Batas.

Tama ang ginawa ni mayor PRRD.

It was the most compassionate decision not only for the americans but for us as well. One way or the other we will soon need them and this pardon strengthens that bond of friendship between us as people. Ang panahon ng pandemya ay oras ng pakikipagbuklod kay bigbrother. Isulat na lamang natin ito sa talaan ng mga atraso ng amerikano sa atin mula sa massacre sa probinsya ng Samar hanggang sa massacre of Bud bagsak sa Jolo na walang mga nakulong na amerikanong sundalo.
Padilla sa binigay na Pardon Kay Pemberton: "Tama ang ginawa ni mayor PRRD" Padilla sa binigay na Pardon Kay Pemberton: "Tama ang ginawa ni mayor PRRD" Reviewed by TNS Correspondent on September 13, 2020 Rating: 5

No comments