Header AD

COVID testing policy ng Pilipinas pinakamahusay sa buong ASIA, ayon kay Roque

COVID testing policy ng Pilipinas pinakamahusay sa buong Asya, ayon kay Roque

Mataas-taas na grado ang ibinigay ng Palasyo sa ginagawang pagtugon ng pamahalaan sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic, at sinabing pinakamahusay sa buong kontinente ng Asya, o maaaring buong mundo, ang Pilipinas pagdating sa pagte-test kaugnay ng pathogen.

Ayon ‘yan kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kung siya ang magre-rate ay 85-percent umano ang grado ng Pilipinas pagdating sa naging responde sa pandemya.

“We clearly have the best testing policy in the whole of Asia and probably in the whole world because we have exceeded three million (tests) and as a percentage of total population, lubos-lubusan na ‘yan sa sinasabi nilang 3 percent na dapat ma-test na population,” lahad ni Roque.

“At patuloy pa po tayo, dadami pa po tayo and I think we will have the highest number of testing, one of the highest in the whole world. That’s clearly our biggest strength,” aniya pa.

Sa huling taya ng DOH, nasa 265,888 na ang tinatamaan ng naka mamatay na sakit sa bansa, kahit na 259 ang naiulat noong Lunes na namatay sa kinatatakutang virus.

SOURCE
COVID testing policy ng Pilipinas pinakamahusay sa buong ASIA, ayon kay Roque COVID testing policy ng Pilipinas pinakamahusay sa buong ASIA, ayon kay Roque Reviewed by TNS Correspondent on September 15, 2020 Rating: 5

No comments