Header AD

PhilHealth Chief Morales, hindi sinibak ni Duterte dahil walang patunay na corrupt

PhilHealth Chief Morales, hindi sinibak ni Duterte dahil walang patunay na corrupt

Hindi sisibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte si Philhealth Chief Ricardo Morales.

Ito ay kahit na nababalot ng korupsyon ang Philhealth.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ebidensya ang hinahanap ni Pangulong Duterte.

Nasa pagpapasya na aniya ni Morales kung magbabakasyon muna sa trabaho habang may ginagawang imbestigasyon ang Senado at ang Office of the Special Assistany to the President.

“That’s really up to him. I’m not in a position to tell him what to do. The President has said that he will not fire him unless there’s evidence and I think the Senate now is in the process of documenting this evidence, at the same time there’s also parallel investigation being conducted by Usec. Quitain. So it’s his decision whether or not he wants to go on leave while these investigations are ongoing but I’m just happy that 2 branches of government are investigating these allegations of fraud because as I said, our Universal Healthcare Law cannot succeed unless we rid PhilHealth of corruption,” pahayag ni Roque.

Matatandaang sa hearing na ginagawa ng senado, nilinaw ni Senator Drilon kay Acting Philhealth senior Vice President Nerissa Santiago kung sa darating 2022 ay maaaring wala na ang Philhealth ang sinagot nito ay 'Yes sir'

"So you're saying that the actuarial life of Philhealth is only one year? Are you saying that in 2022 there will be no more Philhealth?" tanong ni Drilon.

"Yes sir" sagot ni Acting Philhealth senior Vice President Nerissa Santiago


PhilHealth Chief Morales, hindi sinibak ni Duterte dahil walang patunay na corrupt PhilHealth Chief Morales, hindi sinibak ni Duterte dahil walang patunay na corrupt Reviewed by TNS Correspondent on August 05, 2020 Rating: 5

No comments