Header AD

Matapos ma-disqualified sa Duterte Youth, Ronald Cardema Balik National Youth Commission


Binunyag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary at spokesperson Jonathan Malaya na commissioner na uli ng National Youth Commission (NYC) si Ronald Cardema.

Ito ang kinumpirma ni Interior Spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya sa isang interview.

“Yes, he’s back but as commissioner of the NYC,” pagkumpirma ni Malaya sa GMA.

Ayon kay Malaya, nasa ilalim ng DILG ang NYC.

Matatandaang  idineklara ng Comelec First Division na hindi kuwalipikado si Cardema bilang Duterte Youth nominee dahil sa pagiging overaged.

Edad 34 na siya nang tumakbo noong May elections.

Matapos ang ilang buwan na pakikipaglaban sa legalidad ng congressional bid niya ay umatras si Cardema bilang first nominee ng Duterte Youth.

Sa ilalim ng Party-list System Act, dapat edad 25 hanggang 30 lang ang isang youth sector party-list representative.
Matapos ma-disqualified sa Duterte Youth, Ronald Cardema Balik National Youth Commission Matapos ma-disqualified sa Duterte Youth, Ronald Cardema Balik National Youth Commission Reviewed by TNS Correspondent on August 05, 2020 Rating: 5

No comments