Header AD

Arnel Ignacio to Jennylyn Mercado: ""Wag niyo na pasukin ang hindi ninyo linya""

Arnel Ignacio to Jennylyn Mercado: ""Wag niyo na pasukin ang hindi ninyo linya""


May unsolicited advice si Arnell Ignacio para kay Jennylyn Mercado.

Napansin ng host-comedian na nitong mga nakaraang buwan ay naging opinionated ang aktres sa mga isyung may kinalaman sa pulitika.

Kilala si Jennylyn bilang prized female star ng Kapuso network at kilala rin bilang box-office female lead sa big screen. Ang mga itinambal nang big names kay Jennylyn sa pelikula ay sina John Lloyd Cruz, Jericho Rosales, Dennis Trillo, Derek Ramsay, Sam Milby, at Coco Martin.

Si Arnell naman ay nakilala bilang host ng game shows na GoBingo (GMA7), K! The 1 Million Peso Videoke Challenge (GMA-7), at Game 'N Go (TV5); talk shows na Katok Mga Misis (GMA-7) at Solved Na Solved (TV5); at variety shows na Chibugan Na (IBC13) at MTB: Ang Saya Saya (ABS-CBN)

Ang sabi ngayon ni Arnell kay Jennylyn sa Facebook: "Payo lang, wag niyo na pasukin ang hindi ninyo linya. You have very successful careers dahil mahusay kayo sa linyang pag-aartista.

"Do not ever think the power of popularity will instantly translate into mastery of the political jungle. Wawasakin ninyo mga careers ninyo."

Tumanggap si Jennylyn ng mga papuri nang magpakita siya ng suporta sa mga empleyado ng ABS-CBN na nawalan ng trabaho matapos ibasura ng Committee on Legislative Franchises ng House of Representatives noong July 10, 2020 ang application ng network for a new franchise.

Ang mahabang post noong July 10 ng Kapuso actress sa Facebook: "Sa mga taong tuwang-tuwa sa mga pangyayari, huwag niyo sana danasin ang lumuha din at mawalan.

"Hindi ba tinuruan tayo ng ating mga magulang na maging makatao sa kapwa? Rejoicing because of other people’s sorrow is not only wrong, but inhumane.

"You are cruel.

"If you say that then everyone should be held at the same standard.

"Huwag muna tayo mag mananita. Ang importante ngayon, ang mga taong nawalan ng trabaho lalo na at pandemya.

"Ang daling sabihin na okay lang sa inyo kasi sa tingin ninyo ay hindi kayo naapektuhan.

"Pero sana kahit saglit ay ilagay ninyo ang sarili sa posisyon nila. Huwag kayo maging manhid sa hirap na nararanasan ng iba.

"Will pray for everyone to be enlightened and to remember the values that make us human...

"Please be kind to one another. Thank you."

Kung may pumuri, may bumatikos din. Lalo na mula sa hanay ng Diehard Duterte Supporters (DDS), matinding bashing ang tinanggap ni Jennylyn.

Ayaw ng mga DDS ang sinumang nagsasalita laban kay Pangulong Rodrigo Duterte, na alam ng lahat ay nag-udyok na labanan ang pamilya Lopez, ang nagmamay-ari ng ABS-CBN, at pagkatapos ay nagbunyi sa pagkakadurog ng giant network.

Hindi nagpaawat si Jennylyn. Mula noon, nagsunud-sunod na ang kanyang social-media posts tungkol sa iba't ibang isyung kinakaharap ng bansa.

Merong tungkol sa mga ipinaglalaban ng Lumad sa Mindanao.


Meron din itong puna sa pamamalakad ng pamahalaan.


Meron din siyang reaksiyon sa July 27, 2020 State of the Nation Address ni President Rodrigo Duterte.

Para kay Arnell, tumatawid si Jennylyn sa pulitika, isang larangang wala raw alam ang Kapuso star.

Kataka-taka naman ito dahil si Arnell mismo ay isang komedyante at TV host na tumawid sa pulitika, nang iluklok siya sa puwesto ni Duterte, na kanyang sinuportahan sa eleksiyon.

Si Arnell ay minsan nang inilagay ni Duterte bilang assistant vice-president ng PAGCOR, at pagkatapos ay ginawang deputy executive director ng OWWA. Sa kasalukuyan, wala na siya sa gobyerno.

Totoong kalakaran sa showbiz ang manahimik pagdating sa pulitika.

Ayaw ng mga managers ang ganyang ingay dahil baka mangilag sa kanilang talents ang producers at TV executives. May mga kontrata para sa celebrity endorsers na nagbabawal sa kanilang maglabas ng opinyon sa pulitika dahil baka pag-initan ng gobyerno ang kumpanyang nagmamay-ari ng produkto. At, sa dami na rin ng intriga at problemang kinahaharap ng artista, marami sa kanila ang iwas-pulitika na lamang.

Hindi nangangahulugang wala silang opinyon at wala silang pakialam.

Ngayon ngang panahon ng pandemya, naglabasan ang maraming artista na hindi na itinago ang nararamdaman sa nangyayari sa bansa. Isa rito si Jennylyn Mercado.

Ilan pa ay sina Pokwang at Angel Locsin, Bea Alonzo at K Brosas, Anne Curtis at Sharon Cuneta, Judy Ann Santos at Zsa Zsa Padilla. Sushine Dizon at Nadine Lustre.

Marami sa kanila, ang naging trigger ng pagiging vocal sa social media ay ang pagpapasara sa ABS-CBN. Kasama rito sina Coco Martin, Kim Chiu, Kathyrn Bernardo, Daniel Padilla, Cherry Pie Picache, Jolina Magdangal, Liza Soberano, Kim Atienza, Karla Estrada, at Dimples Romana.

Ngunit ang ilan naman, gaya nina Agot Isidro, Gretchen Ho, Janine Gutierrez, at Bianca Gonalez ay matagal nang naglalabas ng opinyon tungkol sa pulitika.

Ang iba ay mga dating Duterte supporters na tila nagsisisi ngayon, gaya nina Angelica Panganiban, Nikki Valdez, Irma Adlawan, at Jason Abalos.

Ang iba ay mga Kapuso na hayagang sumuporta sa mga Kapamilya. Kasama rito sina Dingdong Dantes, Maine Mendoza, Eugene Domingo, Aiko Melendez, Paolo Ballesteros, Glaiza de Castro, Lovi Poe, Jasmine Curtis Smith, Julie Anne San Jose, Bea Binene, Gabbi Garcia, Atom Araullo, Kara David, Raffy Tima, at Howie Severino.

Sa hindi malamang dahilan, ang tinutukan ni Arnel ay si Jennylyn.

Arnel Ignacio to Jennylyn Mercado: ""Wag niyo na pasukin ang hindi ninyo linya"" Arnel Ignacio to Jennylyn Mercado: ""Wag niyo na pasukin ang hindi ninyo linya"" Reviewed by TNS Correspondent on August 02, 2020 Rating: 5

1 comment

  1. Usually, the player will ask the supplier to rotate face cards into excessive and low values. Passing it off as superstition, the supplier often grants his request. When the excessive 배당 사이트 and low cards face opposite directions, the player is aware of} which type might be dealt next. He makes use of this information to pick the winner of the next spherical.

    ReplyDelete